^

PM Sports

EJ Laure babalik na sa Foton Tornadoes

Chris Co - Pang-masa
EJ Laure babalik na sa Foton Tornadoes

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pahinga, magbabalik-aksiyon si outside hitter EJ Laure para sa Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisi-mula sa Oktubre.

Pormal nang nagbalik si Laure sa kampo ng Tornadoes matapos itong sumailalim sa rehabilitasyon sa loob ng pitong buwan dahil sa kaniyang shoulder injury.

“Sa ngayon nasa strengthening ako doing rehab dahil hindi puwedeng bumalik ako agad-agad para tuluyan nang gumaling ‘yung injury ko,” wika ni Laure.

Kailangan ng Tornadoes si Laure dahil mababangasan ang lineup ng tropa sa pagkawala nina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong lalaro sa commercial league sa Japan.

Huling nasilayan si Laure sa Grand Prix noong nakaraang taon.

Hindi rin ito nakapag-laro sa UAAP Season 80.

Ilang usapan ang nag-lutangan sa kanyang big-laang paglisan gaya ng umano’y pagdadalang-tao.

Subalit makailang ulit na itong itinanggi ng 5-foot-9 wing spiker.

Maliban sa Superliga, inaasahang makalalaro na rin si Laure para sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 81 volleyball tournament na magsisimula sa unang bahagi ng 2019.

Sabik na ang mga tagahanga nito na makitang magkasama sila sa loob ng court ng kapatid nitong si Eya Laure na isa sa mga inaabangang rookies sa taong ito.

Sa pagpasok ng Laure sisters, inaasahang magbabalik ang bangis ng Tigresses na dismayadong tumapos sa ikapitong puwesto sa Season 80.

Makakasama ng Laure sisters si power-hitting Sisi Rondina gayundin sina middle blockers Christine Francisco at Caitlyn Viray, opposite spiker Dimdim Pacres at playmaker Alina Bicar.

vuukle comment

EJ LAURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with