^

PM Sports

Slaughter aprub sa FIBA

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Slaughter aprub sa FIBA
Greg Slaughter
FIle

MANILA, Philippines — Maaari nang maglaro bilang Pinoy local player si Greg Slaughter para sa Gilas Pilipinas matapos aprubahan ng International Basketball Federation (FIBA) ang kanyang papeles kahapon.

Ayon sa liham ni FIBA secretary general Patrick Baumann kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios, pinapayagan na ng FIBA si Slaughter na maging local player para sa pambansang koponan na nakatakdang sumagupa sa Iran at Qatar sa pagsisimula ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“After a thorough review of the document provided by your Federation, please be informed that FIBA herewith exceptionally authorizes the player Gregory William Slaughter to play for the Philippines national team without restrictions in accordance to article 3-21b of the FIBA Internal Regulations,” anang FIBA.

“FIBA reserves the right to apply the 3-21b more restrictively in future cases.”

Ito ay kahit pa hindi napatunayan ni Slaughter na nakakuha siya ng Philippine passport bago mag-16 anyos na siyang pangunahing batayan ng FIBA upang ikunsiderang lokal ang isang manlalaro.

Ayon sa FIBA, nakuha ni Slaughter ang kanyang passport sa edad na 17-anyos ngunit dahil naninirahan na at nagla-laro sa Pilipinas sa loob ng 11 taon mula nang lumipat dito noong 2007 ay naging sapat na batayan ito upang maaprubahan ang kanyang aplikasyon na maglaro bilang lokal na manlalaro.

Wala namang pagsidlan ang tuwa ni Slaughter na wala ng balakid sa kanya upang makapaglaro sa pambansang koponan.

“I couldn’t be happier about this, thank you to SBP and FIBA for pa-ving the way. I’m looking forward to beginning a wonderful journey with the national team. Para sa bayan!,” aniya.

Ngayon, ang problema na lamang ay ang pagpapagaling ni Slaughter mula sa kanyang ankle injury na natamo niya sa 104-98 panalo ng Ginebra kontra Northport nitong Miyerkules sa hu-ling araw ng PBA Governors’ Cup bago ito magbigay daan sa kampanya ng pambansang koponan sa Asian Qualifiers.

Ito ang dahilan kaya’t hindi nakapagsanay ang 7’0 na higante sa nakalipas na tatlong araw at maaaring hindi pa rin makapaglaro sa mahalagang tune-up match ngayon ng koponan.

Sasabak sa tune-up match ang Gilas Pilipinas kontra sa IECO Green Warriors ngayong umaga sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City bago ang paglipad nila bukas patungong Iran para sa pagsisimula ng 2019 International Basktball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.

Ito ang unang opisyal na laban ng 16-man pool national team na kabubuo pa lamang noong nakaraang linggo matapos ang basbas ng Philippine Basketball Association na ipahiram ang lahat ng manla-larong hiniling ng national coach na si Guiao.

Babandera ang wa-long Asiad team players na sina Raymund Almazan, Gabe Norwood, Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Paul Lee, JP Erram, Asi Taulava at  Beau Belga lalo’t sanay na sila sa sistema ni Guiao.

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with