Digong nagdagdag ng insentibo sa mga atleta
MANILA, Philippines – Umabot sa kabuuang P7 milyon ang matatanggap ng gold medalist sa nakaraang 18th Asian Games sa Indonesia.
Ito ay matapos dagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P1 milyon para sa gold, P500,000 para sa silver at P200,000 para sa bronze medal ang cash incentives ng mga atletang nag-uwi ng medalya sa 2018 Asiad.
Sa Republic Act 10699 ng PSC ay tatanggap ng P2 milyon ang gold medalist, P1 milyon ang silver at P400,000 ang bronze medal winner.
Magbibigay rin si POC chief Ricky Vargas ng P2 milyon para sa gold, P500,000 para sa silver at P300,000 sa bronze medal, ang Siklab Atleta Foundation ay may dagdag na P1 milyon para sa gold, P500,000 sa silver at P250,000 sa bronze medalists at si Philippine Ambassador sa Indonesia na si Lee Hoong Wee ay nangako ng P1 milyon sa mga gold medalists.
Ang mga gold medalists ay sina Hidilyn Diaz (weighlifting), Yuka Saso Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go (individual at team event) at Margielyn Didal (skateboarding) at ang mga silver medalists ay sina Kiyomi Watanabe (judo) at Rogen Ladon (boxing) at ang mga bronze medalists na sina (Dustin Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. (men’s poomsae), Janna Oliva, Juvenile Crisostomo at Rinna Babanto (women’s poomsae), Agatha Wong (wushu), Pauline Louise Lopez (taekwondo), Divine Wally (wushu), Margarita Ochoa (jiu-jitsu), Daniel Caluag (BMX), Jeffersson Loon (pencak silat), Dines Dumaan (pencak silat), Bianca Pagdanganan (golf), Cherry May Regalado (pencak silat), Junna Tsukii (karate), Almohaidib Abad (pencak silat), Carlo Paalam (boxing) at Eumir Marcia (boxing).
- Latest