^

PM Sports

Lady Khaleesi nambulaga

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ginulat ng Lady Khaleesi na sinakyan ni jockey RM Garcia ang bayang karerista nang manalo bilang dehado sa naganap na karera sa pista ng Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Nanalo sa Race 8 ang kabayong pagmamay-ari ni Bayani Coching at ininsayo ng Best Trainer of the Year na si Ruben Tupas.

Umalis lang bilang pang-limang puwesto ang tambalang Lady Khaleesi at Garcia at nag-antay ng last 200 meters bago nagparemate para agawin ang panalo sa Watch Out Im Coming.

Dahil dehado ang nanalong kabayo kaya naman nagtatabaan na naman ang mga dibidendo sa Forecast, Trifecta, Quartet, Pentafecta at lalong la­lo na sa mga Exotic Betting Option na Winner Take-All, Pick-6, Pick-5 at Pick-4.

Ang ibinigay na dibidendo ng nanalong kumbinasyon na 2-5 sa Forecast ay P190 kada ticket, habang P347.80 naman ang tatamaan sa kumbi­nasyong 2-5-4 sa Trifecta sa kada isang ticket o ka­da dalawang piso taya.

Mas malaki ang ibinigay sa Quartet dahil P932.80 ang tatamaan sa nanalong kumbinasyon na 9-5-4-7, habang hindi naman tumimbang sa Pentafecta ang nayamadong kabayo na Summer Cruise kaya naman P2,375.60 ang naging di­videndo sa nakakuha ng kumbinasyong 2-5-4-7-6.

Ang Exotic Bet na Pick-4 ay nagbigay ng P2,633 kada isang ticket sa nanalong kumbi­nasyon na 6-5-2-9, ha­bang sa 2nd Pick-5 dag­dag ang nanalong Great Con­nec­tion sa Race 5 ay nagbigay ng P9,045.20.

Sa Pick-6 naman kung saan kasama ang na­nalong kabayo sa Race 4 na Señor Lucas ay nagbigay ng dividendong P14,997.60 at maganda-ganda ang di­bidendo ng Win­ner-Take-All dahil sa ibini­gay na P64,185.20 at isa­ma pa ang nanalo sa Race 3 na Charger.

vuukle comment

LADY KHALEESI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with