^

PM Sports

Lady Blazers humihinga pa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng College of St. Benilde ang Uni­versity of Perpetual Help System Dalta , 25-11, 25-22, 25-18, para ma­natiling buhay ang pag-asa sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Minanduhan ni Ma­rites Pablo ang atake ng Lady Blazers nang umani ng 13 puntos mula sa siyam na attacks, tatlong aces at isang block kasama pa ang siyam na digs, habang nagdagdag sina Arianne Daguil at Klarisa Abriam ng tig-siyam na puntos.

Umangat ang Lady Bla­zers sa 3-4 baraha, habang tinapos ng Lady Altas ang kampanya hawak ang 1-6 marka.

Mawawalan ng saysay ang paghihirap ng St. Benilde kung tatalunin ng University of the Philippines ang San Beda sa ka­nilang duwelo nga­yong hapon.

Hawak ng Lady Maroons ang 3-3 baraha kung saan isang panalo na lamang ang kaila­ngan para samahan sa se­mis ang Adamson, UST at Far Eastern University.

Sa men’s division, tinalo ng Adamson  ang St. Benilde, 25-16, 18-25, 25-20, 31-29, para sa tiket sa Final Four.

 

vuukle comment

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with