^

PM Sports

Pinay spikers susubukang manalo sa Japan

Mae Balbuena - Pang-masa

JAKARTA — Matapos ang three-set loss sa Thailand ka­makalawa ay isa pang ma­tinding ka­­­laban ang ha­harapin nga­­yon ng Phi­lippine wo­men’s volleyball team sa pagpapatuloy ng volleyball competition sa Bulu­ngan Sports Hall dito.

Anuman ang resulta ng labang ito at maging ng katatapusan ng kampanya ng Phl volleybelles ay hindi mahalaga.

Ang importante ay ang karanasang makuku­ha ng koponan bilang pag­­hahanda para sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas sa su­sunod na taon.

“We have to be able to play in the tournaments like this for experience,” ani Alyssa Valdez. “We have the talent to play in this level.”

Matapos ang 10 araw na training sa Japan bago ang Asian Games, inaa­sahang may matututunan pa ang mga Pinay sa laban kontra sa mga Ha­ponesa sa alas-4:30 ng ha­pong sagupaan (5:30 Manila time).

Matapos ang Japan ay haharapin ng Phl Lady Spikers ang Hong Kong sa alas-12:30 (1:30 p.m. Manila time) sa Huwebes sa Bu­lungan Sports Hall ulit bago ang host Indonesia sa Sabado sa pagbabalik ng aksyon sa GBK Indoor tennis court.

Kailangan lamang ay magtapos sa top four ang Nationals sa five-team Pool A upang makausad sa knockout stage at ang panalo sa Hong Kong ang inaasahang magtutulak sa Pinas sa susunod na round.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with