^

PM Sports

Nationals mahihirapan sa China

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Nationals mahihirapan sa China
Pumorma si Fil-Am Jordan Clarkson sa training ng national team.
PM photo ni Joey Mendoza

JAKARTA — Sa pagsabak ng Philippine basketball team kontra sa China, pa­milyar na muk­ha ang ma­kikita ng Fil-Am Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson sa ka­tauhan nina Houston Rockets center Zhou Qi at Ding Yanyuhang ng Dal­las Mavericks.

Ang presensiya ni Clarkson ay hindi nanga­ngahulugang kakayanin na ng Gilas na binubuo ng anim na core players ng Rain or Shine ngunit inaasahang malaking tulong siya para mabigyan ng magandang laban ang Asian basketball powerhouse na China.

Nakatakdang harapin ng Nationals ang China sa Martes sa alas-5 ng hapon (Manila time) at tangkang ma­sundan ang 96-59 pa­na­lo sa kanilang opening game kontra sa Kazakhs­tan.

Bukod sa dalawang NBA player, nasa Chinese team din sina seven-foot second-string center Wang Zhelin, 6’9 third center Dong Hanlin, forwards Yu Changdong, Liu Zhixuan at guards Tian Yuxiang, Zhao Tailong, Sun Minghui, Fang Shao at Zhao Rui na nais ibangon ang China sa ka­nilang 5th place finish no­ong 2014 Korea Asiad.

“We have to admit they’re the favorite, but we may have cut a little of the odds with the addi­tion of Jordan Clarkson,” ani Guiao.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with