^

PM Sports

Dragon Butterfly pinulbos ang mga nakalaban

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos dalawang poste ang layo sa nasegunda nang dumating sa meta ang kabayong Dragon But­ter­fly sa Race 5 noong Huwebes na ginanap sa pis­ta ng Sta Ana Saddle and Clubs Naic, Cavite.

Sinakyan ng isa sa pinakamagaling na hinete sa bansa na si Jockey OP Cortez ang tatlong taon kabayong pagmamay-ari ni Mr. Narciso Morales na tumakbo bilang Super Mega Oustading Favo­rite at pinatunayan sa bayan karerista nang manalo ng milya-milya.

Tumakbo sa 1,300m na distansya at nakapagta­la ng napakagaling na pruwebang 1:18 bilang banderang tapos at masasabing hahakot ng panalo da­hil record ang nasabing oras sa grupong sinalihan sa Condition Race 16.

Dehado ang nasegundong kabayo na Recons­truction kaya nagbigay pa ang Forecast ng P45 ka­da isang ticket sa nanalong kumbinasyon na 7-1, habang ang Trifecta naman dagdag ang nater­serang kabayo na Pagkakaisa ay nagbigay ng dibidendong P60.80 sa nanalong kumbinasyon na 7-1-3.

Sa tayang quartet naman kung saan idadagdag sa pang-apat na puwesto ang kabayong Run Al­gieri Run ay nagbigay pa ng dibidendong P99.80 sa kumbinasyon na 7-1-3-5, habang P593.60 naman ang ibinigay sa Pentafecta sa nanalong kumbi­nasyong 7-1-3-5-2.

Ang Extra Double na­­man nito kabit sa na­nalong Seni Seviyorum sa Race 3 ay nagbigay pa ng P22.50 sa isang ti­ket o kada P5 na ta­ya at ang daily double plus one naman nito ay nag­bigay ng dibidendong P52.20 dagdag ang nagwagi sa Race 4 na Hea­ven Strikes.

Bago iyan ay nanalo rin ang Dra­gon Butter­fly noong Hun­yo 9 sa Mai­den Race at nakapagta­la ng bilis na 1:15 sa dis­tan­syang 1,200m at bu­magsak sa Condition Race 16.

Kaya kaa­bang-abang ang mga su­­sunod na ka­rera nang na­sabing ka­ba­yo dahil maitutu­ring itong matibay na pa­no­lo sa mga Exotic Bets na Winner-Take-All, Pick-6, Pick-5 at pandi­in sa mga Forecast, Extra Double, Trifecta at Quartet sa karerang sa­sa­lihan nito.

vuukle comment

DRAGON BUTTERFLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with