^

PM Sports

Anthony pumirma na sa Houston

Pang-masa
Anthony pumirma na sa Houston
Carmelo Anthony

HOUSTON - Tuluyan nang lumagda si Carmelo Anthony, magmumula sa pinakamababang scoring season sa kanyang career, sa isang one-year contract sa Rockets.

Ang nasabing kontrata ni Anthony ay nagkakahalaga ng $2.4 milyon.

Ang Houston ang magiging ikaapat na koponan ng All-Star forward sa loob ng isang taon.

Ipinoste ng Rockets ang litrato ng paglagda ni Anthony sa kanilang Twitter account.

Nagtala ang 34-anyos na si Anthony ng average na career low 16.2 points sa 78 games sa nakaraang season para sa Oklahoma City Thunder.

Dinala ng Thunder si Anthony sa Atlanta noong nakaraang buwan bago binitawan ng Hawks.

Makakasama ni Anthony sa Rockets sina MVP James Harden at star point guard Chris Paul.

Nagposte ang third overall pick noong 2003 draft ng mga averages na 24.1 points at 3.0 assists sa kanyang 15-year career kasama ang paglalaro niya para sa Denver Nuggets at New York Knicks.

Isang 10-time all-star, nanalo din si Anthony ng tatlong Olympic gold medals para sa United States at naging all-time leading scorer at rebounder ng USA Team.

vuukle comment

CARMELO ANTHONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with