^

PM Sports

Asian Games lumarga na

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sabado pa ang opening ng 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia ngunit nagsimula na ang aksiyon sa ilang sports.

Nagsimula ang aksiyon noon pang Linggo nang simulan ang preliminaries ng football. Sinimulan na rin ang kompetisyon sa Handball noong Lunes.

Lumarga naman ang preliminaries ng basketball competition sa Basketball Hall ng main venue na Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta kung saan gaganapin ang opening at Closing ceremonies.

Ang Phl Cagers na magsisimula ng kampanya ng Pinas bukas sa pagharap sa Kazakhstan sa alas-10:00 ng umaga.

Walang schedule ng competition sa araw ng opening sa Sabado bago lumarga ang 14 iba pang sport sa Linggo.

Gumastos ang pamamahalaan ng Indonesia ng halos $2 bilyon para sa pagpapatayo ng mga bagong venues kagaya ng velodrome at equestrian center pati na ang pagpapaayos sa main stadium ng 18th Asian Games.

“All facilities were extremely wonderful,” sabi ni Jakarta Asian Games Organizing Committee (JAGOC) member at sports ministry secretary Gatot S. Dewa Broto.

Ipinangako din ng JAGOC ang makulay at malaking opening ceremonies sa Sabado kung saan 5,000 performers ang magbibigay ng kasiyahan sa mga delegasyon.

“The Games will be inaugurated through a colossal ceremony as a way to show the world that Indonesia is a big nation that is capable of hosting an international event,” ayon sa JAGOC.

Humigit-kumulang sa 100,000 pulis at sundalo ang titiyak sa seguridad ng halos 12,000 bilang ng mga atleta, opisyal at turista para sa kabuuan ng Asiad. Russell Cadayona

vuukle comment

ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with