^

PM Sports

Mahihirapan lalo ang Gilas sa Asiad

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalong tumarik ang bundok na aakyatin ng Pilipinas matapos malipat sa mas mahirap na Group D kasama ang China at Kazakhstan sa nalalapit na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Kinumpirma ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Al Panlilio ang naturang pagbabago kahapon na siyang nagtulak nga sa Pinas sa bagong grupo mula sa orihinal na Group B.

Ayon sa inisyal na groupings, nasa Pool B ang pambansang koponan kasama ang Iran, United Arab Emirates at Syria ngunit sa pagbabagong ito ay lalong humirap ang misyon ng Philippine men’s basketball team, ayon kay head coach Yeng Guiao.

“We’re hoping na maganda sana ‘yung chance natin na talunin ang UAE at Syria sa Group B. Ngayon, mapapahirap ‘yung laban natin kasi only two will qualify to the next round,” aniya. “I think people know how China plays and how strong they are.”

Sa kabila nito, tiwala si Guiao na kaya nilang makaiskor ng panalo kontra sa Kazakhstan na maaaring maging susi nila papasok sa susunod na round. “Kaya na-ting talunin ‘yung Kazakhstan,” ani Guiao na naatasang gabayan ang Rain or Shine-backed national squad sa Asian Games na nakakatakda mula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

Halos kumpleto ang koponan sa ginanap na unang pagsasanay kamakalawa sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City.

vuukle comment

AL PANLILIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with