^

PM Sports

Sasali tayo sa Asian Games basketball

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Sasali tayo sa Asian Games basketball
Nasa larawan ang mga opisyal ng SBP, POC at PBA.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa Asian Games din ang tuloy.

Iyan ang naging siste ng bansa matapos ianunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association kahapon sa Smart Araneta Coliseum ang tuluyang pagpapadala sa Rain or Shine-backed national squad sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

“We’d like to announce our participation in the Asian Games and this is final,” ani Ricky Vargas na siyang pangulo ng Philippine Olympic Committee at chairman ng PBA Board of Governors.

Ayon kay Vargas, sumapit ang SBP at PBA sa naturang desisyon bunsod ng maraming dahilan at ang pinakamahalaga na rito ang panawagan ng mga tao.

Magugunitang noong Hulyo 26 ay pormal na binasbasan ng PBA ang Rain or Shine bilang kinatawan ng bansa sa Asian quadrennial tournament ngunit iniatras ito ng SBP kinagabihan na siyang ikinagulat at ikinalungkot ng Filipino basketball fans.

“There is a strong clamor from our basketball fans and since we are the House of Basketball, we need to really look at that clamor. Galing ‘yan sa puso ng mga fans,” dagdag ni Vargas.

Sa ngayon, suporta ang hiling ng koponan na gagabayan ng dating national team na si Yeng Guiao na siyang naatasan na rin bago pa ang naturang pag-atras noong nakaraang linggo.

Babanderahan ng Rain or Shine core nina James Yap, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, Raymond Almazan, Gabe Norwood at Beau Belga ang koponan na mayroon na lamang walong araw para maghanda.

Sa kabila nito, tiwala si Guiao na lalaban nang buong puso ang koponan na sasamahan nina Christian Standhardinger ng San Miguel, Stanley Pringle ng Globalport, Paul Lee ng Magnolia, Don Trollano ng Talk ‘N Text, Asi Taulava ng NLEX gayundin ng dalawang Gilas Pilipinas cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Matatandaang ito na ang ikalawang pagkaka-taon na magiging bench tactician ng national team si Guiao buhat nang manduhan din ang Powerade Pilipinas noong 2007.

Manlalaro niya noon sina Yap at Taulava na inaasahan niyang mamuno sa koponan ngayon bilang veteran national team players.

Sasalang sa Group B ang Pinas kasama ang Iran, United Arab Emi-rates at Syria.

Magsisimula ang pagsasanay ng koponan ngayong araw bago lumipad pa-Jakarta sa Agosto 14 para sa Asian Games.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with