^

PM Sports

Sigma’s Treasure nakadehado

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakadehado ang Sigma’s Treasure sakay si jockey Warren Beltran sa Race 3 noong Huwebes sa pista ng Sta Ana Park Naic Cavite.

Sa nasabing karera ay pang-apat umalis sa apa­ra­to ang Sigma’s Treasure at bumandera ang Heart and Soul na sinakyan ni Op Cortez kasunod ang Hunyo Disenueve at Stone Ladder.

Mahigpit ang labanan ng Sigma’s Treasure at Heart and Soul pagsapit sa huling kurbada pero nanaig ang galing ng una.

Dahil sa panalo, nagbigay ang winner-take-all ng dividendong P22,450 sa kada isang ticket sa kum­binasyon 7-3-3-5-1-2-7.

Nagbigay ang kumbinasyong 3-1-2 sa trifecta ng dividendong P137 kada isang ticket, habang P234.60 sa quartet na may kumbinasyong 3-1-2-7 at P476.40 para sa pentapecta na may kumbinas­yong 3-1-2-7-5.

 Maganda rin ang ibinigay ng extra double ga­ling sa nanalong Geneva at Sigma’s Treasure na may dividendong P83 sa kada P5 na taya.

Premyong P91.40 ang ibinigay sa daily double plus one sa kumbinasyong 7-3-3 dahil sa panalo ng Shoo In sa Race 2, habang P94.50 ang ibinigay ka­bit sa Race 5 sa nanalong Joem’s Gal na may kum­binasyong 3-1 sa extra double.

 

vuukle comment

SIGMA’S TREASURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with