^

PM Sports

Ika-2 panalo asam ng Perpetual

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng University of Perpetual Help Altas ang ikalawang panalo sa paghaharap sa wala pang panalong Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa pagpapatuloy ng “NCAA on Tour” ng 94th NCAA basketball tournament sa EAC Gym sa Ermita, Manila.

Tangan ang 1-1 win-loss kartada, haharapin ng Altas ang Generals sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng EAC Brigadiers at Junior Altas  sa alas-2.

Pangungunahan ni rookie Edgar Chacos ang Altas. Si Chacos na isang transferee mula sa University of the East ay nag-average ng 20.5 puntos sa dalawang laro para sa tropa ni coach Frankie Lim.

“He’s a big reason why we’re playing like this, I’m confident he could sustain it,” sabi ni Lim ukol sa kanyang top scorer na si Charcos na pumapangalawa sa scoring chart sa likuran ni 6’9 Cameroonian Hamadou Lamanou ng EAC na nag-average ng 24 puntos kada-laro.

Sinabi naman ni EAC coach Ariel Sison na kahit hindi naman magbabantayan sina Chacos at Hamadou pero kailangan talagang pigilin ang top shooter ng Altas.

Dalawang sunod na talo na ang natikman ng Generals kaya kaila-ngan nilang manalo para manatiling buhay ang tiwala sa koponan.

“If you’ve noticed, we’ve always finished badly. Now if we could somehow find a way to finish big, we’ll have a chance,” ayon kay Sison na unang natalo sa Lyceum, 97-106 noong Hulyo 13 at sinundan ng 69-75 talo sa Arellano Chiefs noong Hulyo 19. 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with