^

PM Sports

Ex-Gilas players handang tumulong

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handang ibanderang muli ng mga dating na­tio­nal team players ang bandila ng Pilipinas sa­kaling mabigyan ng pag­ka­kataon kasunod ng sus­­pensyon ng FI­BA sa mga kasaluku­yang Gilas Pilipinas players.

Ilan sa mga ito ay sina Greg Slaughter at Jeff Chan ng Ginebra, Raymond Almazan, Beau Bel­ga ng Rain or Shine, Christian Standhardinger at Arwind Santos ng San Miguel.

Noong Huwebes ay ipi­nataw ng FIBA ang sus­pensyon kina Andray Blatche, Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Matthew Wright, Jayson Castro, Terrence Romeo, Roger Po­goy, Troy Rosario, Carl Bryan Cruz at Jio Ja­lalon.

Ang naturang suspensyon ang nagresulta sa paghahanap ng posib­leng kapalit na manlala­ro dahil sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Set­yembre kung saan ma­kakasagupa ng Gilas ang Iran, Kazahks­tan at Qatar.

Isa sa original member ng Gilas Pilipinas na binuo noong 2010 ay si Slaughter.

“I’m ready and wai­ting to be in the national team again. There’s a few times I went through some injuries that I couldn’t be able to join but now I’m healthy and would love to play again,” aniya.

Gayundin ang kahandaan ni Chan na miyembro ng 2014 World Cup team maging sina Almazan at Belga.

Wala ring alinlangan si Standhardinger na ti­ni­­tingnang papalit sa puwesto ni Blatche bilang naturalized player, habang sabik ding makabalik sa national team ang 36-anyos na si Santos bu­hat nang huli itong maglaro sa  Powerade-Pi­lipinas noong 2009 sa ilalim ni head coach Yeng Guiao.

Lumutang din ang pa­ngalan ng breakout player at segunda sa Best Player of the Conference race na si Vic Ma­nuel ng Alaska.

Wala pang konkretong hakbang ang Samahang Basketbol ng Pilipi­nas kung sino ang mga na­is nilang manlalaro na isa­sama ki­na June Mar Fa­jardo, Gabe Norwood at Baser Amer.

Makiki­pag-usap ang SBP sa PBA sa mga su­su­nod na araw para sa ka­nilang mga plano.

Nakatakda ring magpulong ang PBA Board of Governors kasama si Commissioner Willie Marcial upang talakayin ang tulong na ibibigay ng liga sa SBP at sa Gilas Pilipinas.

 

vuukle comment

EX-GILAS PLAYERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with