^

PM Sports

Full support pa rin ang PBA sa Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Solidong suporta pa rin ang ipinangako ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Gilas Pilipinas kasunod ng ma-tinding parusang ipinataw ng FIBA.

Kamakalawa ay natanggap na ng SBP ang desisyon ng International Basketball Federation (FIBA) na suspindihin ang 10 manlalaro nito gayundin si head coach Chot Reyes at assistant coach Jong Uichico.

Tumataginting ding  CHF 250, 000 (higit P13 milyon) ang multang kailangang bayaran ng SBP bunsod ng pamosong rambol kontra sa Australia sa kanilang FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Bilang tulong dito ay ipinangako ni Commissioner Willie Marcial ang availability ng mga PBA players upang huma-lili sa mga suspendidong manlalaro sa nalalapit na second round ng Asian Qualifiers sa Setyembre.

“Si Coach Chot Reyes, may programa sa Gilas na ang pool ay ‘yung 12 teams ng PBA. So, buong PBA ‘yun. Suportado ng governors at team owners kung ano kailangan ng Gilas ay ibibigay natin,” ani Marcial.

Problemado ngayon ang SBP at ang Gilas kung sinong mga manla-laro ang huhugutin sa pagkakasuspinde nina naturalized import Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Roger Pogoy, Troy Rosario, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon.

Hindi makakalaro ang mga naturang players sa simula ng second round ng Asian Qualifiers kung saan makakasagupa ng bansa ang powerhouse na Iran gayundin ang Qatar at Kazakhstan.

Ngunit para kay Marcial ay walang dapat ipag-alala ang SBP lalo’t nakaalalay ang PBA sa kanila.

“Yung huling meeting namin sa PBA, tungkol diyan sa Gilas. Ni-request ko ‘yan at okay naman sila. Wala naman silang problema. Sige tulungan natin ang Gilas. Marami naman puwedeng bunutin sa PBA,” dagdag niya.

Bukod sa pakikipagpulong sa SBP sa susunod na hakbang para sa Gilas ay nakatakda ring kausapin ni Marcial ang PBA Board of Governors sa katapusan ng buwan upang pag-usapan ang pinal at detalyadong tulong na ibibigay ng PBA.

“May board meeting this last Thursday of July at pag-uusapan namin,” pagtatapos niya.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with