^

PM Sports

EAC tangka ang upset

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaking upset ang tangkang makuha ngayon ng Batangas-Emilio Aguinaldo College kontra sa lider na Che’Lu Bar and Grill upang mapanatiling buhay ang pag-asa sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang main game na sagupaan sa dakong alas-3 ng hapon kung saan balak umangat ng Generals sa ikaapat na puwesto papasok sa huling dalawang laban ng eliminasyon.

Tangan ang 3-5 kartada sa ikalimang puwesto, hangad ng Batangas ang upset win sa Revellers gayundin ang pagkatalo ng Centro Escolar University (4-4) kontra sa AMA Online Education sa unang laro sa alauna ng hapon.

Apat lang kasi sa anim na koponan ang makakasikwat ng puwesto sa Final Four at sa ngayon ay ang Che’Lu (6-2) at Go For Gold (6-2) pa lamang ang siguradong pasok na.

Sasandal si coach Oliver Bunyi sa lider na si Cedric de Joya gayundin kina Michael Mabulac at Clark Bautitsta upang mabulaga ang Che’Lu na tinambakan ang Batangas, 78-57 sa kanilang first round meeting na nangyari noong Hunyo 21.

Ngunit hindi ito magiging madali lalo’t powerhouse na Revellers ang kanilang makakaharap na pangungunahan nina Chris Bitoon at Jeff Viernes.

Bagama’t pasok na ang Che’Lu sa semis matapos ang malupit na 139-101 na panalo sa AMA noong nakaraang Huwebes ay hindi ito papakampante lalo’t tangka nilang maselyuhan ang isa sa twice-to-beat slots sa semis.

Nasa ikaapat na puwesto naman ngayon hawak ang 4-4 marka, ayaw pabiktima ng CEU sa wala pang panalong AMA (0-8) upang mapalakas ang sariling misyon na makapasok sa semis.

Tatrangkuhan nina Orlan Wamar, Rich Guinitiran at Pierce Chan ang atake ng Scorpions kontra kina Andre Paras at top rookie pick Owen Graham ng Titans.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with