^

PM Sports

Blaze Spikers pinakitaan ang Cargo Movers

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuko ng Petron Blaze Spikers ang karibal na F2 Logistics Cargo Movers, 25-16, 21-25, 25-20, 26-24 para agawin ang ikalawang outright semifinal berth sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference noong Sabado ng gabi sa Muntinlupa City Sports Center.

Umiskor si Bernadeth Pons ng 16 puntos habang si Mika Reyes ay umani ng 13 at 11 naman mula kay Sisi Rondina upang masungkit ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro at angkinin ang top spot sa Pool A.

Bukod kay Pons, Reyes at Rondina tumulong din ng 10 si Aiza Maizo-Pontillas para makakuha ng karagdagang apat na puntos sa tie-break quotient system makaraang magtapos sa preliminary round sa three-way tie sa liderato kasama ang Cargo Movers at Generika-Ayala sa magkakatulad na 3-1 win-loss kartada.

Nakakuha ng kabuuang sampung puntos ang Petron Blaze Spikers habang ang Cargo Movers ay umani ng siyam na puntos at pito naman sa Generika Lifesavers.

Ang dating walang talong Cargo Movers ay bumaba sa ikalawang puwesto sa Pool A at dadaan sa quarterfinal round para muling subukang sungkitin ang isa sa huling dalawang semis slots. Ang unang outright semis berth ay nauna nang naibulsa ng nagdedepensang Cignal HD pagkaraang hawakan ang top spot sa Pool B sa 4-0 card.

“Sobrang sarap sa pakiramdam, thank you kay Lord kasi grabe gini-guide niya kami mula umpisa until the end and alam ko nandyan pa rin siya para sa amin. Hopefully mas maganda pa ang susunod naming games,” ani Petron coach Shaq delos Santos.

Tabla ang laban sa 24-24 bago sa error ni Mich Morente ng Cargo Movers na siyang nagbigay daan kay Rondina na pumuntos ng dalawang sunod para angkinin ang ika-apat na set.

Nag-ambag sina Ara Galang at Mich Morente ng kabuuang 22 puntos para sa F2 Logistics na haharap sa Pool B third placers Sta. Lucia Lady Realtors sa knockout cross over quarterfinals.

vuukle comment

MIKA REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with