^

PM Sports

Go For Gold ayaw mapag-iwanan

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang balak magpaiwan ang Go For Gold dahil sa tangkang makasosyo ulit sa liderato sa krusyal na pakikipagharap sa palabang Centro Escolar University sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang sagupaan sa ganap na ala-1 ng hapon kung saan susubok ang Scratchers na maakbayang muli ang lider na Che’Lu sa tuktok ng team standings upang lumapit sa hanga-ring masiwkat ang isa sa semi-finals berth.

Nakasakay sa malaking 135-91 tagumpay kontra sa kulelat na AMA Online Education noong nakaraang Lunes, pinapaboran ang Scratchers na maungusan ang Scorpions sa krusyal na banggaan.

Inaasahang mangunguna sa atake ng koponan si Matt Salem matapos magtala ng makasaysayang triple double na 10 puntos, 11 rebounds at 10 assists sa 44-puntos nilang tagumpay.

Ikaanim palang sa walaong taong kasaysayan ng D-League si Salem na nakapaglista ng triple double kasunod nina Mike Tolomia, Ray Parks Jr., Kent Sa-lado, Jeron Teng at Prince Eze.

Makakaasa siya ng solidong suporta mula kina Eric Pili at Kris Porter matapos kumayod ang dalawa ng 25 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod kontra sa Titans.

Ngunit ang misyon na iyon ng Go For Gold ay hindi magiging madali kaysa inaasahan lalo’t mapa-nganib na Scorpions ang nakaharang sa kanilang daan.

Kagagaling lamang sa 84-75 panalo kontra sa Batangas-EAC, hindi yuyukod nang ganoon na lang ang CEU na hangad namang masolo ang tersera puwesto papalapit sa dulo ng eliminasyon.

Sasandal ang Scorpions sa batikang lider nito na si Orlan Wamar matapos itong magtala ng kumpletong 17 puntos, walong assists at anim  na rebounds kontra sa Generals.

Aalalay din sa kanya sina Pierce Chan, Judel Fuentes at Cameroonian import na si Gilles Oloume matapos ang ambag nilang 13, 12 at 11 puntos sa nakaraang laban.

Samantala, magpupuwestuhan din ang kapwa nasa gitnang koponan na Marinerong Pilipino-TIP at Batangas-EAC sa ikalawang laban sa alas-3 ng hapon.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with