^

PM Sports

Tepora bagong WBA champ

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukod kay Manny Pacquiao ay isa pang Pinoy ang nagposte ng TKO (Technical Knockout) victory kahapon sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinalo ni Jhack Tepora ang paboritong si Mexican Edivaldo Ortega via ninth-round TKO win para angkinin ang World Boxing Association Interim featherweight title sa undercard ng laban nina Pacquiao at Lucas Matthysse.

Itinaas ni Tepora ng Cebu City ang kanyang win-loss-draw ring record sa 22-0-0 kasama ang 17 knockouts kasabay ng pagpapalasap kay Ortega ng ikalawang kabiguan nito sa 29 laban.

Nagmula ang 25-an-yos na si Tepora sa isang second-round KO victory laban kay Lusanda Komanisi ng South Africa noong Setyembre sa London na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalaban para sa WBO intercontinental featherweight belt.

Naging chess match ang nasabing laban nina Tepora at Ortega dahil sa pareho nilang pagiging southpaw (kaliwete).

Sa fifth round ay mas naging agresibo si Tepora para makakuha ng puntos mula sa kanyang mga jabs at uppercuts kay Ortega.

Pagsapit ng ninth round ay nakakonekta si Tepora ng right uppercut na nagpabagsak kay Ortega sa canvas sa unang pagkakataon.

Nalampasan ni Ortega ang mandatory eight count ni referee Roberto Ramirez, Jr., ngunit nabigong salagin ang pagrapido ni Tepora na dahilan para tuluyang itigil ng Puerto Rican third man ang laban sa 2:38 minuto nito.

Si Tepora ang ikatlong Pinoy fighter na naglista ng panalo matapos sina Pacquiao at Juan Miguel Elorde, apo ni Filipino boxing legend Gabriel “Flash” Elorde, na tumalo kay Ratchanon Sawangsoda ng Thailand via third round TKO sa opening preliminary bout.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with