^

PM Sports

Pacquiao asam ang welterweight title

Abac Cordero - Pang-masa
Pacquiao asam ang welterweight title
Manny Pacquiao

KUALA LUMPUR – Ngayong araw ay pa­tu­tunayan ni Filipino bo­xing icon Manny Pac­quiao na kaya pa rin niyang manalo ng isang world boxing crown.

Ito ay sa kabila ng apat niyang kabiguan sa hu­ling siyam na laban at ang pag-akyat niya sa edad na 40-anyos sa Dis­yembre 17.

“We will see after this fight if I can still conti­nue fighting,” sabi ni Pac­quiao sa bisperas ng pinakamalaking boxing event sa Malaysia matapos ang upakan nina Muhammad Ali 43 taon na ang nakakalipas.

Pipilitin ni Pacquiao na agawin sa 35-anyos na si Lucas Matthysse ng Argentina ang bitbit nitong World Boxing Association welterweight belt sa Axiata Arena rito.

Isinuko ni Pacquiao ang kanyang dating hawak na WBO welterweight title kay Jeff Horn no­ong Hulyo ng 2017 sa Brisbane, Australia kung saan nakita ng mga kritiko ang kabiguan ng world eight-division champion na tapusin ang 29-anyos na school teacher sa ilang pagkakataon.

Sa 16,000-seat arena at sa harap ni Presidente Rodrigo Duterte ay susu­bukan ni Pacquiao na ipa­alala sa kanyang mga fans ang dati niyang bilis at lakas sa paghahamon kay Matthysse.

Personal na inimbitahan ng fighting senator si Malaysian Prime Mi­nis­ter Mahathir Mohamad para panoorin ang kan­yang laban kasama ang mga libu-libong Pinoy fight fans.

Puntirya ni Pacquiao ang kanyang ika-60 panalo (59-7-2) sapul nang maging pro boxer noong 1995 laban sa 35-anyos na si world weltetweight king mula sa Argentina na mayroong 36 knockouts sa 39 panalo.

Ayon kay Matthysse, isang pangarap na natupad na makalaban sa iba­­baw ng boxing ring si Pac­quiao.

vuukle comment

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with