^

PM Sports

Lyceum 2-sunod na panalo

Francisco Cagape - Pang-masa
Lyceum 2-sunod na panalo
Si Jaycee Marcelino ng Lyceum laban kay Maui Cruz ng EAC.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Pinadapa ng Lyceum Pirates ang Emilio Aguinaldo College Generals, 106-97 para masungkit ang ikalawang sunod na panalo kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA Men’s Basketball Tournament  sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umani si Jaycee Marcelino ng 24 puntos, kabilang na ang 13 sa ika-apat na yugto para mapigil ang third quarter rally ng Generals at angkinin ang panalo kasunod sa kanilang 85-80 panalo kontra sa San Sebastian Stags noong Sabado.

Lumamang ng mahigit 31 puntos, 72-41 ang Pirates ngunit biglang nag-laho ang kanilang intensity na siyang nagbigay daan para sa Generals na magpasiklab ng 36-8 rally at dumikit, 77-80 pagkatapos ng ikatlong yugto.

“We can’t relax against any team in this league and EAC reminded us that we really can’t,” sabi ni Lyceum coach Topex Robinson.

Tumipa rin ng walong rebounds, limang steals at dalawang assists si Marcelino sa kanyang pinakamagandang career performace.

Bukod kay Marcelino, umiskor din ng 20 puntos ang reigning MVP CJ Perez na may kasamang limang rebounds at anim na steals habang si Ralph Tansingco ay tumulong ng 11 puntos at 10 naman kay Jayvee Marcelino.

Pinangunahan naman ni Cameroonian  Hamadou Laminou ang EAC Generals sa kanyang 34 puntos, 16 rebounds at apat na blocks at 20 naman kay Jerome Garcia at 13 kay Jethro Mendoza.

Sa ibang laro, nagwagi naman ang San Sebastian Stags kontra sa St. Benilde Blazers, 85-78 para pumasok sa win column matapos mabigo sa opening day.

Sa ikatlong laro, bumawi ang Perpetual help sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game nga-yon season sa pamamagitan ng 78-75 panalo kontra sa Letran sa pangunguna ni Edgar Charcos na nagtala ng 27-puntos.

 

vuukle comment

LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with