^

PM Sports

May ibubuga pa si James Yap

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatunayan ng beteranong 36-gulang na si James Yap na mayroon pa siyang ibubuga matapos magliyab sa 27 puntos upang tulungang makabalik ang koponang Rain or Shine sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup semi-finals matapos ang mahabang dalawang taon.

Nagbuslo ng pitong tres si Yap at nagsahog pa ng limang rebounds sa dikit na 103-97 panalo ng top seed na Elasto Painters kontra sa eighth-ranked Globalport sa do-or-die Game 2 ng quarterfinals kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.

“Ganun lang lagi eh. Kailangang kundisyon lang at ready para kapag tatawagin ako ay makakapag-deliver ako,” ani Yap sa kanyang pinakamagandang performance suot ang Rain or Shine uniform.

Magugunitang noong 2016 ay nalipat ang dating Most Valuable Player at franchise player ng Purefoods (ngayon ay Magnolia) na si Yap sa Rain or Shine kapalit ang batang manlalaro na si Paul Lee.

Buhat noon ay hindi na nakatikim ng Final Four appearance si Yap gayundin ang Rain or Shine na huling nakapasok sa semis noong 2016 nang sila ay nagkampeon.

Tulad ni Yap, ito rin ang unang semis ng Elasto Painters sa ilalim ni head coach Caloy Garcia matapos ang paglipat ng batikang mentor na si Yeng Guiao noong 2016.

“Masaya dahil first time as ROS player. Excited na ako,” dagdag ni Yap na miyembro rin ng 40 Greatest PBA players.

Sa katunayan, noong Game 1 pa lang ay nagpakitang-gilas na si Yap nang magbuslo ng 16 puntos bago mabangko sa fourth quarter.

Binatikos si Garcia bunsod ng pagbangko kay Yap sa krusyal na Game 1 na iyon kung saan natalo ang Rain or Shine, 113-114 para makapuwersa ng rubber match ang Globalport.

 

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with