^

PM Sports

Che’Lu nakabawi agad

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malupit na 139-101 na paghihiganti ang inihataw ng Che’Lu Bar and Grill sa kulelat na AMA Online Education upang masolo ulit ang liderato ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kagagaling lamang sa masaklap na 83-91 kabiguan kontra sa Marinerong Pilipino-TIP na pumatid sa kanilang 5-game winning streak, ibinuhos ng Revellers ang galit nito sa Titans nang ibaon agad sa 60-42 sa first half pa lang.

Hindi na nagpaawat pa ang Che’Lu buhat dito  at pinaabot pa sa 40 puntos ang kalamangan tungo sa malaking tagumpay.

Bunsod nito, umangat sa 6-2 ang kartada ng Revellers upang maipagpag ang katablang Go For Gold (5-2) papasok sa huling dalawang laro ng eliminasyon.

Lumapit din nang bahagya ang Che’Lu sa ha-ngaring masikwat ang isang semifinal berth na magpapalakas sa kanilang tsansang makabalik sa Finals matapos mag-runner up sa Zark’s Burgers sa Aspirants’ Cup.

Halimaw na 35 puntos, apat na assists, tatlong rebounds at tatlong assists ang inilista ni Jeff Vier-nes upang pangunahan ang balanseng atake ng Revellers. Nag-ambag din ng 22 puntos, anim na rebounds at four assists si Levi Hernandez habang apat pang Revellers ang nagtapos sa double digits.

Sa kabilang banda, tanging si Andre Paras lang  muli ang nakapagpakitang-gilas sa kanyang 18 puntos at 12 rebounds para sa Titans na nananati-ling walang panalo sa walong salang.

Samantala sa unang laro ay nakaganti rin ang Centro Escolar University sa Batangas –Emilio Aguinaldo College, 84-75 upang iangat ang baraha sa 4-3.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay na-silat ang Scorpions sa 90-96 iskor.

Bumagsak naman sa 3-4 ang Generals.

vuukle comment

DEVELOPMENTAL LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with