^

PM Sports

Manuel vs Fajardo

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Biglang nagkaroon ng kalaban si June Mar Fajardo sa kanyang ambisyon sa pagtuhog ng fifth MVP award sa pagsulpot ni Vic Manuel bilang strong Best Player of the Conference contender sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.

Sa kanyang runaway BPC win sa nakaraang Philippine Cup, inakala ng lahat na easy ride na ang takbo ni Fajardo tungo sa pagsungkit ng isa pang MVP trophy na magtatanghal sa kanya bilang natatanging five-time PBA MVP winner.

Pero bigla ngang nagpasiklab si Manuel na siyang leading contender ngayon para sa Commissioner’s Cup BPC award.

Umiskor ng hindi baba sa 20 points si Manuel sa lahat ng kanilang huling laro – matinding bagay na nagpapatibay ng kanyang BPC quest.

Interestingly, magbabanggaan ang koponan ni Fajardo at Manuel sa best-of-five semifinals. Kung sino ang uusad sa finale, siya ang malamang na maging BPC winner.

Kung manalo si Manuel, may kalaban na si Fajardo para sa season MVP award.

***

Makabawi na kaya ang Alaska Milk laban sa San Miguel Beer na malaking tinik sa kanilang lalamunan sa kanilang mga huling playoff matchups?

Sa pagpasok ni Alex Compton bilang Alaska head coach, tatlong beses silang pumasok sa finals at bawat isa dito ay kontra sa San Miguel.

Pawang salengkwang ang inabot ng Aces sa tatlong finale na ito. Pinakamasakit sa 2015-16 Philippine Cup kung saan nasayang ang kanilang 3-0 kalamangan.

Ramdam naman ni SMB coach Leo Austria ang ngitngit ng mga Aces kaya’t todo na sila sa paghahanda sa inaasahang bangis na ipakikita ng koponan ni Compton.

 DATOS: Nakikiramay ang Point Guard sa mga naulila ni Arman Teologo na namayapa noong Lunes dahil sa heart failure. Pinsan siya ng aking maybahay na si Emmariza Beltran. Ang labi ay nakahimlay sa Evergreen Memorial Chapels sa Pasig City at ang libing ay nakatakda bukas ng hapon. Naulila niya ang kanyang maybahay na si Ma. Divina, anak na si Arman Dave, ina na si Gloria at mga kapatid na sina Nory, Tere, Jun at AJ.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with