^

PM Sports

Maraming pinasayang Pinoy fans si Durant

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Maraming pinasayang Pinoy fans si Durant

MANILA, Philippines — Sa edad na 29-anyos, sangkatutak na medalya’ tropeo na ang naibulsa ni Durant mula sa pagiging Rookie of the Year noong 2007, National Basketball Association (NBA) Most Valuable Player (MVP) noong 2014, multiple All Star at Mythical selections, two-time Olympic medalist, two-time NBA champion at two-time NBA Finals MVP.

Sa kabila nito, hindi pa kuntento ang NBA superstar at sabik pa posibleng ‘greatness’ na maaabot niya hangga’t kaya pa.

Iyan ang ibinahagi ng Golden State forward sa pagbabalik niya sa Pilipinas kamakalawa upang ipakilala ang kanyang pinakabagong sapatos na KD 11 at binansagang ‘Still KD’.

Bumisita sa bansa sa ikalawang pagkakataon simula noong 2011, sinalubong si Durant ng daan-daan niyang taga-suporta sa pamamagitan ng champion’s welcome sa Bonifacio Global City.

Ito ay dahil sa pinaka-bagong kampeonato ni Durant – kanyang ikalawang sunod – matapos walisin ng Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers, 4-0 sa 2018 NBA Finals.

“I’m just excited to be here, it’s amazing,” aniya matapos ipakilala ang kanyang pinakabagong sapatos sa sikat na brand.

Winakasan ni KD ang kanyang pagbisita sa Pinas sa pamamagitan ng exhibition game kasama ang mga piling manla-laro sa bansa sa Nike Hyper Court All Star Team Challenge sa harap ng libu-libong fans sa Smart Araneta Coliseum.

Magugunitang unang bumisita si Durant sa bansa noong 2011 kasama sina Kobe Bryant, Derrick Rose, Chris Paul at James Harden para sa Smart Ultimate All Star Weekend na kinatampukan din ng isang exhibition game kontra sa Phi-lippine national team at PBA All Stars.

vuukle comment

KEVIN DURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with