^

PM Sports

May na-achieve pa rin ang Batang Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumubok ka na abutin ang buwan upang sakaling mabigo ka, naabot mo pa rin ang mga bituin.

Iyan ang eksaktong nagawa ng Batang Gilas na bagama’t bigong maka-iskor ng malala-king upset kontra sa mga world power teams ay nagtagumpay pa rin ito sa misyong maabot ang mas mataas na ranking.

At doon pa lang ay dapat nang hangaan ang Philippine youth team, ayon kay Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio.

“Everybody is proud. We tipped our hats to the whole team,” aniya matapos maisalba ng Batang Gilas ang ika-13 na puwesto sa 16 na bansang lumahok sa katatapos lamang na 2018 International Basketball Fede-ration (FIBA) Under-17 World Cup sa Argentina.

Mas mataas ito sa ika-15 puwestong pagtatapos ng kauna-unahang Batang Gilas team na pumasok sa World Cup noong 2014.

Magugunitang matapos mabigo sa unang limang salang nito ay magilas na winakasan ng Batang Gilas ang kampan-ya nila sa dalawang sunod na panalo para  maiuwi ang 13th place hawak ang 2-7 kartada.

Yumukod ang Batang Gilas sa Group D campaign nito kontra sa France, Croatia at Argentina – na lahat ay nasa top 10 ng world boys basketball rankings.

Nabigo rin ito sa Canada sa Round of 16 at sa African champion na Mali sa 9th-12th classification match bago nga bumalikwas sa pamamagitan ng pagsilat sa 13th-ranked Egypt, 70-69 at sa Oceania powerhouse na New Zealand, 73-51 para sa 13th place finish.

Bunsod nito, nagtapos nang mas mataas na puwesto ang koponan kaysa sa mga ibang paborito na New Zealand, Asian runner up na China at Egypt.

“We have ambitions but we also we have mo-dest objectives,” dagdag ni Antonio. “We achieved that modest objective. We improved our placing in 2014 so we commend the Batang Gilas for a mission accomplished.”

Ngayong may dagdag na karanasan na kontra sa pinakamalalakas na youth teams sa bansa, siguradong mas babangis ang Batang Gilas sa mga susunod nitong digmaan sa internasyunal na kompetisyon.

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with