^

PM Sports

Unang panalo ng Foton

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapasok sa wakas ang Foton Tornadoes laban sa University of the Philippines-United Auctioneers, 25-10, 23-25, 25-22, 25-19 sa win column kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference na dumayo sa Imus Sports Center sa Imus, Cavite.

Hindi naging magaan ang unang panalo ng Tornadoes matapos ang tatlong sunod na talo dahil lumaban din ng husto sina Marian Buitre, Isa Molde, Justine Dorog, Rose Cailing at Adrianna Lagman kaya umabot sa apat na sets ang laban bago tuluyang yumuko ang Lady Fighting Maroons pagkaraan ng isang oras at 40 minutong paluan.

Matapos sa magaang 25-10 panalo sa unang set na umabot lamang ng 20 minuto, inumpisahan ng Lady Fighting Maroons ang matikas na laro para angkinin ang ikalawang yugto, 25-23, at itabla ang laban 1-set all.

Lumamang pa ang UP-UAI sa ikatlong set, 18-16 sa dalawang sunod na atake ni Buitre bago humataw si Bea De Leon ng sunud-sunod na puntos para makuha ang bentahe sa laro.

Tumapos si Jaja Santiago ng 24 puntos, kabilang na ang 21 atake, dalawang blocks at isang ace para iangat ang Foton sa 1-3 win-loss kartada. Ang Lady Fighting Maroons naman ay nakatikim ng kanilang ikatlong sunod na talo.

“Sa tingin ko ang nagpanalo sa amin ay aming teamwork. Ang importante rin ay bawat isa sa amin ay nag-enjoy kaya gumanda ang laro namin.  Sa second set medyo bumaba kasi ang energy namin at nagkaroon pa kami ng misscommunications sa loob ng korte,” sabi ng 6’5 spiker  na si Jaja Santiago.

Malaki rin ang naitulong ng kanyang nakakatandang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat na umani rin ng 14 puntos, 12 nito mula sa atake at dalawang blocks.

Samantala,  magaang naibulsa naman ng Philippine national women’s volleyball team ang panalo kontra sa Cignal HD, 25-21, 25-15, 25-21, sa ikalawa nilang non-bearing game sa torneo.

vuukle comment

SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with