^

PM Sports

Batang Gilas nakasilat

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng Batang Gilas ang kampanya nito sa pamamagitan ng malaking upset kontra sa paboritong New Zealand upang maisalba ang ika-13 puwesto sa 2018 International Basketball Federation (FIBA) Under-17 World Cup kahapon ng umaga sa Technological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina.

Nakasakay sa kauna-unahang tagumpay kontra sa Egypt kamakalawa, nambulaga ang Batang Gilas sa first half pa lang nang makapagtayo ng 35-24 na abante.

Hindi na nagpaawat ang Philippine youth team buhat doon upang tanganan ang manibela tungo sa impresibong tagumpay.

Ranggong ika-34 sa buong mundo, nagtapos din ang Batang Gilas ng mas mataas na puwesto sa mga paboritong New Zealand, China at Egypt na nagkasya lamang sa 14th, 15th at 16th place, ayon sa pagkakasunod.

Isang matamis na paghihiganti rin ang panalo ng Batang Gilas dahil magugunitang yumukod ito sa New Zealand, 60-76 sa battle for third ng FIBA Under-16 Asia Championship noong nakaraang taon sa Asya.

Nangunang muli si Kai Sotto para sa Batang Gilas sa naitalang 22 puntos at 11 rebounds upang patunayang isa siya sa pinakamagaling na U-17 player ngayon hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo.

Magugunitang kamakalawa ay nagliyab sa 28 puntos, 17 rebounds at tatlong supalpal si Sotto sa 70-69 panalo ng Batang Gilas kontra sa Egypt. Nagrehistro ngayon si Sotto ng pambihirang double-double na 16.4 puntos, 10.6 rebounds at 2.3 blocks sa pitong laro sa kanyang U-17 World Cup debut.

Dahil sa impresibong performance ngayong World Cup, nalagpasan na ng Batang Gilas ang ika-15 puwestong pagtatapos ng Batang Gilas team noong 2014 sa pangunguna ng magkapatid na sina Matt at Mike Nieto gayundin nina Richard Escoto at Paul Desiderio.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with