^

PM Sports

Buwenamanong panalo ng Cocolife

Francisco Cagape - Pang-masa
Buwenamanong panalo ng Cocolife
Nadepensahan ni Lona Yongco - Cocolife ang atake ni Judith Abil ng Cheerylume habang nakasuporta ang kakampi niyang si Aerial Patnongon.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Matapos maunahan sa first set, bumawi naman ang Cocolife Asset Managers sa sumunod na sets para tuluyang angkinin ang 22-25, 25-13, 25-22, 25-18 panalo laban sa University of the East-Cherrylume Lady Warriors kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Pinakitaan nina Gyra Barroga, Marge Tejada, Rainne Fabay, Justine Tiu, Cecille Bangad, Denice Tan at Erika Alkuino ang mga collegiate stars ng UE Lady Warriors kahit nawala ang kanilang star players na sina Michelle Gumabao, Joanne Bunag, Mary Jean Balse at Wensh Tiu para manatili ang tiwala ni coach Moro Branislav sa kanyang koponan.

“Coach Moro is relying on our confidence. He doesn’t pressure us. When we were behind in the opening set, he just told us to bounce back,” ani Barroga na nanguna sa  Asset Managers sa kanyang 17 puntos kabilang na ang 12 atake, apat na blocks at isang ace.

Pagkaraang binaba ng Lady Warriors ang mala-king 11 puntos bentahe ng Asset Managers, 24-18, mula sa 23-11, humataw si Denice Tan ng malakas na atake para tapusin na ang laro sa loob ng 96 minutos.

Samantala, sisimulan na ng Philippine national women’s volleyball team ang kanilang exposures sa pamamagitan ng pagharap laban sa Smart Giga Hitters alas-2 ng hapon ngayon.

Maghaharap din ang Generika-Ayala at Foton Tornadoes sa alas-4:15 ng hapon habang magtatagpo naman ang Cignal HD at UE-Cherrylume sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

PSL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with