^

PM Sports

Tnt Katropa may pakay

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iisa lang ang pakay ng Meralco at TNT Katropa -- ang makalapit sa pagsikwat sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

Magtutuos ang Bolts at Tropang Texters nga-yong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Globalport Batang Pier at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sumasakay ang Meralco sa four-game winning streak kumpara sa TNT Katropa na yumukod sa Magnolia at nagdedepensang San Miguel sa huli nilang dalawang laro.

“It’s a critical game on our bid to gain a twice-to-beat advantage in the quarterfinals,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa kanyang Bolts, nanaig sa Ginebra Gin Kings, Phoenix Fuel Masters, Blackwater Elite at Alaska Aces.

“We have control of our fate but we have to keep on winning. If we lose, we go down in the team standings as quickly,” dagdag pa nito.

Sa quarterfinals, ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod at maglalaban sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Matapos ang Meralco ay lalabanan ng TNT Ka-tropa ang nangungunang Rain or Shine sa Linggo.

Sa unang laro, kumpiyansa naman si mentor Ricky Dandan na makakasama ang kanyang Columbian sa eight-team quarterfinals cast bagama’t natalo sa Ginebra, 107-134 noong Miyerkules.

“We are excited that at the last game of our eliminations sked we have a shot at making the playoffs,” wika ni Dandan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with