^

PM Sports

Richard binitbit pati yaya sa Switzerland

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard binitbit pati yaya sa Switzerland

Si Richard Gutierrez kasama ang pamilya niyang sina Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai ay umalis na pa-Europe kagabi.

Memorable sa aktor ang biyaheng ‘yon dahil first time nilang makasama si Baby Kai.

Kasama rin nilang umalis ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati, pati ang yaya ng mga bata.

Bale sa Geneva, Switzerland na aabutin ng kanyang 3rd month si Baby Kai (ipinanganak siya noong March 21).

Sabi ni Annabelle Rama, sobra niyang mami-miss ang dalawang apo, kaya naman bago umalis kahapon sina Zion at Baby Kai ay sobra na siyang nag-bonding sa mga bata. Siyempre, naki-bonding din sa kanila ang lolo na si Eddie Gutierrez.

Sobrang lapit ni Zion sa kanyang Lolo Eddie, kaya ang kuwento ni Bisaya, may mga pagkakataon daw na tumatawag ang bata sa kanila at dumadalaw ito sa bahay nila sa White Plains.

Going back to Richard, pagbalik niya sa bansa, may announcement na tungkol sa isang bagong project na gagawin niya na tiyak na ikakatuwa ng kanyang mga fan!

Ella at Donnalyn nangangamoy box-office queens 

Nakakatuwa ang magandang promotions ng pelikulang Cry No Fear ng Viva Films na showing na ngayong araw na ito.

Nangangamoy na kikita sa box-office ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Ella Cruz at ng internet sensation na si Donnalyn Bartolome.

Mukhang makakabawi sa pelikulang ito ni Direk Richard Somes si Ella at magpapasikat naman ito bilang artista kay Donnalyn.

Puwedeng ma­ging next major star ng Viva si Donnalyn!

Maganda nga rin pala ang feedback ng Cry No Fear sa mga taong nakapanood na ng advance screening at sinasabing magiging malakas sa box-office ang pelikula dahil tiyak na pag-uusapan ang pulidong pagkakadirek   ni Richard.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with