^

PM Sports

Manila Stars nagparamdam

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaagad nagparamdam ang Manila Stars matapos padapain ang Bataan Risers, 89-82 habang nagwagi naman ang Navotas Clutch laban sa Pasay Voyagers, 83-75 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup noong Sabado ng gabi sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Muntik nang masayang ang maagang 12 puntos bentahe ng Stars ni coach Philip Cezar kung hindi naagapan ni Aris Dionisio ang laban at tuluyang gumanda ang umpisa ng Manila na nakisama sa three-way tie sa top spots sa North Division kasama ang Caloocan Supremos at Navotas Clutch sa magkakatulad na 1-0 win-loss kartada.

Umiskor ang dating St. Clare University player na si Dionisio ng 21 puntos at gumawa pa ng pitong rebounds, tatlong blocks at dalawang steals habang si Adrian Celada ay umani ng 18 puntos para sa Manila Stars.

Hindi pa sapat ang ipinakita ni dating PBA ace shooter Gary David at mga standouts ng ABL champion Alab Pilipinas na sina Pamboy Raymundo at Robbie Celez sa run-and-gun rampage ng Manila sa pangunguna ni dating Purefoods star Roger Yap.

Kahit si Marvin Hayes ay tumulong ng 15 puntos at 13 naman mula kay Reil Cervantes upang biguin ang Bataan Risers na pumasok sa quarterfinal round ng Anta Rajah Cup. Si David ay tumapos ng pitong puntos lamang at 14 kay Raymundo habang anim na puntos lamang ang naiambag ni Celez.

Sa iba pang laro, umani si Levi Hernandez ng 26 puntos na may kasamang anim na rebounds para sa come-from-behind panalo ng Navotas Clutch laban sa Pasay Voyagers, 83-75.

Tumulong din ng 22 puntos si Rey Publico at siyam na rebounds upang iangat ang Clutch ni coach Richie Ticzon sa sosyohan sa liderato sa North Division.

“We gave him a bigger responsibility this season. We named him team captain to serve as leader on the floor. But more than that, he was a big contributor for us on both ends of the floor,” sabi ni Ticzon ukol sa performance ni skipper Publico.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with