^

PM Sports

TNT Katropa target ang twice-to-beat

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng TNT Ka-tropa na makalapit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive habang puntirya ng nagdedepensang San Miguel na masolo ang ikaapat na puwesto.

Lalabanan ng Tropang Texters ang umiinit na Magnolia Hotshots ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pakiki-pagtuos ng Beermen sa Globalport Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagposte si import Josh Smith ng mga ave-rages na 17.5 points at 8.0 rebounds sa panalo ng tropa ni coach Nash Racela laban sa Columbian Dyip at NLEX para  awtomatikong masikwat ang isa sa walong quarterfinals ticket.

“We have to keep coming in practice and just train hard and keep working. It’s still a long way to go. Sana we can keep on winning and keep playing hard,” ani Anthony Semerad, umiskor ng 22 points sa 117-106 paggiba ng TNT Katropa sa NLEX noong Linggo.

Ang No. 1 at No. 2 teams matapos ang eliminations ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Maglalaban naman sa best-of-three series ang No. 3 versus No. 6 teams at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Kumpara sa sinasakyang three-game winning streak ng Tropang Texters ay nahulog naman ang Hotshots sa tatlong sunod na kamalasan, ang huli ay sa 99-103 pagyukod sa Alaska Aces noong Linggo.

Sa nasabing laro ay ipinarada ng Magnolia ang bagong import na si Justin Jackson, tumapos ng 6-points lamang.

“Hindi pa naman kami out, so we will try to find mga puwede naming gawin para kahit papaano makuha namin next game,” ani mentor Chito Victolero sa Hotshots na susunod na lalabanan ang Ginebra Gin Kings, Road Warriors at Beermen.

Sa unang laro, target naman ng San Miguel ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos ang 0-3 panimula sa pagsagupa sa Globalport.

“Okay lang na mangarap na buhay pa kami for a top two slot,” sabi ni coach Leo Austria.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with