^

PM Sports

Gustong magsolo ng Pocari

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force na masolo ang lide-rato sa pakikipagtipan nito sa Iriga-Navy sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Papalo ang bakbakan ng Lady Warriors at Lady Oragons sa alas-6 ng gabi habang mag-uunahan ang Petro Gazz at Tacloban na masungkit ang unang panalo sa kanilang duwelo sa alas-4.

Magkakasalo ang Pocari, BaliPure at BanKo sa unahan ng standings hawak ang pare-parehong 1-0 marka samantalang nakatali sa No. 4 ang Petro Gazz, Iriga-Navy at Tacloban bitbit ang 0-1 baraha.

Ang dalawang mangungunang koponan sa quarterfinals ang papasok sa semis kasama ang Creamline at PayMaya.

Nakasakay ang Lady Warriors sa 18-25, 25-20, 26-24, 25-21 panalo laban sa Gazz Angels tampok ang pagbibida nina American imports Arielle Love at Madeline Palmer at dating MVP Myla Pablo.

Nakalikom ang tatlo ng pinagsama-samang 56-puntos para pamunuan ang atake ng Lady Warriors.

Tinalo ng Lady Warriors ang Lady Oragons sa first round ng eliminasyon, 25-8, 23-25, 25-18, 25-16.

Ngunit alam ng Pocari-Air Force na ibang usapan na ang quarterfinals dahil ilalabas na ng bawat tropa ang kanilang alas para makahirit ng tiket sa semis.

Papalo para sa Lady Oragons sina Macy Ubben at Lauren Whyte subalit kailangan ng dalawa ng tulong nina Grazielle Bombita, Divine Aguia, Janet Serafica at Hezzymie Acuña.

Nasayang ang 32 puntos ni Ubben at 23 produksiyon ni Whyte matapos matalo sa Water Defenders sa kanilang huling laro.

Sa kabilang banda, tiwala ang Petro Gazz na makakabawi ito sa Tacloban dahil nariyan sina Ukrainian imports Olena Lymareva-Flink at Anastasiia Trach.

Wala pa si Lymareva-Flink sa Gazz Angels nang matalo ito sa Fighting Warays sa first round.

Sa men’s division, magtutuos ang Air Force (2-3) at Philippine Army (1-4) sa ala-una ng hapon.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with