Cabagnot nasa PBA history
MANILA, Philippines — Sa pag-iskor ng San Miguel ng unang panalo sa Commissioner’s Cup kamakalawa ay umiskor din ng puwesto sa kasaysayan si Alex Cabagnot.
Nagtala ng 13 puntos at pitong assists ang 35-anyos na si Cabagnot mula sa bench upang pangunahan ang 106-94 tagumpay ng Beermen – kanilang una ngayong komperensya – kontra sa Phoenix Fuel.
Ngunit higit sa panalo, nasikwat ni Cabagnot ang kanyang ika-2,939 assists upang lagpasan ang PBA great na si Francis Arnaiz sa ika-10 puwesto ng all-time assists list sa 43-kasaysayan ng pinakamatandang professional league sa Asya.
Sinundan niya sina Robert Jaworski (5, 825), Ramon Fernandez (5, 220), Dindo Pumaren (4,043), Johnny Abarrientos (3, 757), Jimmy Alapag (3, 406), Willie Generalao (3,256), Ronnie Magsanoc (3, 228), Philip Cezar (3, 130) at Olsen Racela (3, 085).
- Latest