^

PM Sports

BaliPure nakisosyo sa unahan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi bumitiw ang BaliPure-National University sa huling sandali ng laro upang itakas ang makapigil-hiningang 25-22, 25-22, 22-25, 32-30 panalo laban sa BanKo-Perlas upang sumalo sa liderato sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference kagabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Dalawang krusyal na puntos ang itinarak ni high school standout Princess Robles upang tulungan ang Water Defenders na masungkit ang ikatlong panalo sa apat na pagsalang at saluhan sa tuktok ng standings ang Creamline at PayMaya na may parehong 3-1 baraha.

Nakaporma na ang Perlas Spikers sa tangkang maipuwersa ang deciding fifth set matapos kapitan ang 16-14 kalamangan sa ikaapat na kanto.

Agad itong binura ng Water Defenders tampok ang solidong block ni reinforcement Janisa Johnson kay BanKo import Jutarat Montripila para maitabla ang laban sa 16-all.

Mula dito, 14 beses nagtabla ang laban na umabot sa 30-all.

Isang atake ni Robles ang lumusot sa depensa ng Perlas Spikers na sinundan nito ng ace para tuluyang kubrahin ng Water Defenders ang panalo.

Nagawang rumatsada ng Water Defenders sa tulong ni playmaker Joyme Cagande na gumawa ng 54 excellent sets.

Nalugmok ang Perlas Spikers sa ilalim ng standings sa 1-4 marka.

Sa men’s division, iginupo ng Vice Co ang Instituto Estetico Manila, 28-30, 25-21, 25-23, 25-16 para umangat sa unahan ng standings sa 2-1 baraha.

Maganda ang hugot ni coach Rey Diaz kay Richard Solis na humataw ng kabuuang 17 puntos kabilang ang tatlong blocks para pamunuan ang ratsada ng Blockbusters.

Nakatuwang ni Solis si John Paul Bugaoan na naglista ng 13 markers gayundin sina Jude Garcia at Red Paled na may tig-10 puntos.

Gumulong sa 2-1 karta ang Volley Masters sa kabila ng pinagsama-samang 44 puntos nina Joeward Presnede, Mark Enciso at Greg Dolor.

vuukle comment

PRINCESS ROBLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with