^

PM Sports

Nagpakitang-gilas si Hidilyn Diaz

Francisco Cagape - Pang-masa
Nagpakitang-gilas si Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

CEBU CITY, Philippines — Kagaya ng inaasahan, magaang nakuha ni 2016 Rio Olympiad silver medalist na si Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa women’s open division weighlighting event kahapon ng 9th Philippine National Games sa Naga City covered court.

Binuhat ng 27-anyos na taga-Zamboanga City ang kabuuang 205 kilos mula sa 90-kls sa snatch at 115-kls sa clean and jerk upang patunayan ang kanyang kahandaan sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa darating na Agosto 18-Set-yembre 2.

Ang Airwoman First Class ng Philippine Air Force at management student ng College of St. Benilde ay lalahok sa 53-kgs. division ng Asiad kung saan isa siya sa paboritong manalo.

Sa athletics naman, kahit muntik nang madapa, ipinagpatuloy ni Anfernee Lopena ang pagtakbo tu-ngo sa pag-angkin sa titulo bilang pinakamabilis sa 2018 edisyon ng PNG.

Nagkamali ng hakbang ang 23-anyos na estud-yante ng College of St. Benilde sa umpisa ng centerpiece 100-m dash ngunit nakabawi ito at tinapos ang karera sa pinakamabilis na oras na 10.96 segundo para makuha ang gintong medalya kasunod sina Micael Mana-ay ng Negros Occidental (11.01) at William Galceran ng Mandaluyong sa 11.11.

“I stumbled at the starting block and almost had a false start. Buti na lang nakarekober pa ako at binuhos ko na lahat sa huling 20 metro,” sabi ni Lopina na hangad masama sa national team para sa 2018 Asian Games.

Isa siya sa nag-silver medal na relay team sa 29th Southeast Asian Games kasama sina Eric Cray, Trenten Beram at Archard Christian Bagsit.

Si Joselou Rebalde ng Cebu City naman ang pinakamabilis na babae sa takbuhan pagkaraang magwagi sa women’s century dash sa kanyang 12.85 segundo kasunod si Rudelyn Fernandez ng Baguio sa 13.27-segundo habang ikatlo si Jelly Mae Paredes ng Cebu City (13.46).

Hindi naman nagpahuli si Camilo Nino Owen La Torre na nanalo sa boys 16 and over 400-m individual medley para sa kanyang ikatlong gintong medalya.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with