^

PM Sports

Paymaya wagi sa Iriga

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang malupit na atake ang inilatag ng PayMaya sa huling sandali ng laro para itakas ang 25-23, 22-25, 25-20, 25-23 panalo laban sa Iriga-Navy at sumampa sa unahan ng standings ng 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon na dumayo sa Batangas City Sports Co-liseum sa Batangas.

Muling naasahan si American reinforcement Tess Rountree nang kumana ito ng 24 puntos mula sa 20 attacks, dalawang blocks at dalawang aces ngunit nakakuha rin ito ng soldiong suporta mula sa local players kabilang na sina Aiko Urdas, Jerrili Malaban at playmaker Jasmine Nabor.

Mas napatayog ng High Flyers ang lipad nito tangan ang 3-1 rekord para sumulong sa unang puwesto sa standings.

Pumuposisyon na sana ang Lady Oragons sa tangkang maipuwersa ang fifth set nang kunin nito ang 21-16 kalamangan sa ikaapat na kanto sa likod nina imports Macy Ubben at Lauren Whyte.

Subalit naglunsad ng matinding atake ang High Flyers matapos pamunuan nina Rountree, three-time NCAA MVP Gretchel Soltones at Shelby Sullivanan ng 7-1 run ng tropa para maagaw ang kalamangan 23-22.

Hindi na nakabangon pa ang Lady Oragons at tuluyang hinayaan ang High Flyers na kubrahin ang panalo.

Nasayang ang pinaghirapang 26 puntos ni Ubben at 20 markers ni Whyte para sa Lady Oragons na bumaba sa 1-1 karta.

Sa men’s division, isinelyo ng Philippine Army Troopers ang 25-23, 21-25, 25-23, 25-27, 15-12 panalo kontra sa Philippine Air Force Jet Spikers para umakyat sa win co-lumn bitbit ang 1-2 baraha.

Laglag sa 1-1 ang Jet Spikers.

Magpapatuloy ang aksiyon ngayong araw sa parehong venue tampok ang duwelo ng paboritong Creamline Cool Smashers at nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force sa alas-4 ng hapon matapos ang laban ng Petro Gazz at BanKo sa alas-2.

 

vuukle comment

PAYMAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with