^

PM Sports

Punung-puno ng kasiyahan ang PBA All-Star week

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bukod sa mga inaabangang sagupaan sa pagitan ng Philippine Basketball Association (PBA) All Stars at national team na Gilas Pilipinas, siksik din sa side events ang maningning na 2018 PBA All Star sa susunod na linggo.

Sisiklab sa tatlong magkakaibang siyudad ang mid-season spectacle ng Asia’s oldest professional league sa Mayo 23 hanggang 27.

Bubuksan ng banggaan ng Mindanao All Stars ni Coach Tim Cone at Smart Gilas All Stars ni Coach Norman Black sa Mayo 23 ang week-long spectacle.

Ngunit bago iyon ay iikot muna ang mga manlalaro sa mga barangay upang magsagawa ng basketball clinics para sa players, coaches at referees bukod sa pamimigay ng PBA shirts at basketballs. Magkakaroon din ng meet and greet ang mga PBA superstars sa kanilang mga Mindanao fans sa Martes ng gabi.

Sa event proper sa Miyerkules, magpapakitang gilas din sina Allan Caidic at Special Assistant to the President Bong Go, Kenneth Duremdes at Senator Manny Pacquiao, PJ Simon at Attorney Mans Carpio gayundin sina Scottie Thompson at Major Michael Sabsal sa ispesyal na 3-point shoot out contest.

Magpapatuloy ang All Star sa Mayo 25 sa Batangas City kung saan magaganap ang paghaharap nina Coach Leo Austria at ng Luzon All Stars kontra kina Coach Yeng Guiao at ng Smart Gilas All Stars.

Dito rin magaganap ang slam dunk contest, three-point shootout, shooting stars at ang kakaibang obstacle skills challenge na katatampukan ng mga PBA big men, sa halip na guards, sa unang pagkakataon.

Magkakaroon din ng motorcade sa buong siyudad bukod pa sa barangay meet and greet, referees at coaches clinic, at hospital visits sa Nazareth at Sta. Clara Medical Center.

Huling stop naman ng PBA ang Iloilo City kung saan magtatapat ang Visayas All Stars ni coach Chito Victolero at Smart Gilas squad ni Coach Nash Racela sa Mayo 27.

Bukod sa regular na meet and greet at basketball clinics, lilibot din sakay ng motorcade ang buong delegasyon bago ang outreach program sa mute and deaf community sa Iloilo.

 

vuukle comment

PBA ALL-STAR WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with