^

PM Sports

Arwind pabor na bigyan ng 2nd chance si Balkman

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Arwind pabor na bigyan ng 2nd chance si Balkman
Arwind Santos at Renaldo Balkman

MANILA, Philippines – “Everybody deserves a second chance” ang simple ngunit malalim na pahayag ni Arwind Santos sa pagbabalik ni Renaldo Balkman sa Philippine Basketball Association at kanilang muling pagkikita matapos ang madilim na insidente limang taon na ang nakalilipas.

Buhat noong 2013 nang masakal ni Balkman ang Petron (ngayon ay San Miguel) teammate na si Santos sa isang pambihirang pangyayari, nagkitang muli ang dalawa kamakalawa sa kauna-unahang ensayo ni Balkman sa San Miguel.

Matapos ma-lift ang kanyang lifetime ban sa PBA noong Marso at ang pagdala niya sa San Miguel-Alab Pilipinas sa kampeonato ng Asean Basketball League, gumawa ng daan si Balkman sa posibleng PBA at SMB comeback.

Natupad iyon nitong linggo nang kunin ng SMB si Balkman na maging kapalit ni Troy Gillenwater sa gitna ng matabang na 0-2 simula ng Beermen.

At taliwas sa akala ng marami na magiging tensyonado ang reunion ni Santos at Balkman, naging banayad ito dahil para kay Santos ay naghilom na ang sugat ng nakaraan.

“Wala na ‘yun. Hindi naman ako nagtatanim ng galit,” ani Santos. “Oo, (nagkausap na kami) kanina, although hindi kami nakapag-usap ng matagal kasi naubusan na ako ng bala.”

Nakatulong din aniya ang positibong aura na dala ni Balkman sa kanyang pagdating na siyang tila naging simbolo ng bagong simula at pag-asa kasama ang koponan matapos ang kalimut-limot na pangyayari sa nakaraan.

Ngayong maayos na ang lahat, tiwala si Santos sa mas magandang samahang nag-aabang sa kanila upang makuha ang ‘goal’ na madepensahan ang Commissioner’s Cup championship.

“Basta nagkita ulit kami, sana ma-perfect namin ‘yung samahan namin,” aniya.

 

vuukle comment

RENALDO BALKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with