^

PM Sports

Last game na ni Macklin; TNT lalabang All-Pinoy

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago pa man ihayag ang kanyang pagtanggap sa isang guaranteed contract sa National Basketball League sa China ay alam na ni Magnolia coach Chito Victolero na hindi sa kanila magtatagal si import Vernon Macklin.

“Our agreement is for him to play with us in our first four games,” wika ni Victolero kay Macklin. “Maganda naman ang timing because we have a two-week break after our Friday’s game. We have time to find a replacement.”

Gagawin ng 6-foot-9 na si Macklin ang kanyang pinakahuling laro sa pagsagupa ng Hotshots sa Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ilan sa mga pangalan na pinagpipilian ng Magnolia ay sina NBA veterans Yancy Gates, Samuel Samardo at Sam Muldrow.

“May mga game pa sila. Iyong iba naman tapos na pero wala pang confirmation na makakalaro sa amin,” wika ni Victolero.

Parehong sumasakay sa two-game winning streak ang Hotshots at Bolts, hangad makasosyo sa liderato ang Rain or Shine Elasto Painters.

Makakatapat ni Macklin, kumolekta ng 18 points at 8 rebounds sa 126-101 paggiba ng Magnolia sa Columbian Dyip noong Miyerkules, si Arinze Onuako para sa Meralco.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay lalarong All-Filipino ang TNT Katropa kontra sa Blackwater matapos sibakin si import Jeremy Tyler, nagtala ng 16 points at 11 boards sa 100-110 kabiguan sa Alaska.

Hinihintay pa ng Tropang Texters ang pagdating ng dati nilang reinforcement na si Joshua Smith, nag-lalaro pa para sa Kyoto Hannaryz sa Japanese league.

Ang malapad na si Smith ang naghatid sa TNT Katropa sa Finals ng 2017 PBA Commissioner’s Cup na pinagharian ng San Miguel sa likod ni import Charles Rhodes.

vuukle comment

CHITO VICTOLERO

NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with