Water Defenders nilunod ang Petro Gazz angels
MANILA, Philippines – Nalampasan ng BaliPure ang hamon ng Petro Gazz, 22-25, 25-23, 28-26, 22-25, 15-12, upang makapasok sa win column sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference Season 2 kahapon sa FliOil Flying V Center sa San Juan City.
Umiskor ang bagong American import na si Janisa Johnson ng 30 puntos, kabilang na ang 26 atake at apat na aces para sa unang panalo ng Water Defenders sa dalawang laro at ibaon ang Angels sa ilalim ng standings sa 0-3 kartada.
Muling nagpakita ng malaking pag-asa ang 15-anyos na si Mhicaela Belen, ang 16-anyos na si Alyssa Solomon at ang 18-anyos na si Princess Robles para bumangon sa kanilang 23-25, 23-25, 25-22, 19-25 pagkatalo sa Iriga City noong Mayo 9.
“We are surviving. This is a young team ang I’m glad we won. It seemed to be a nice welcoming for me. I’ll try to help this team. Hopefully, we get better and make it to the top,” sabi ng 26-anyos na si Johnson para sa BaliPure.
Matapos maunahan sa first set ay bumawi ang Water Defenders, binubuo ng NU High School squad na nagreyna sa UAAP juniors, sa sunod na set para maitabla ang laro.
Sa third set ay umani ang BaliPure ng 15 atake at limang service aces para pangunahan ang laban sa 2-1.
Sa hataw ni Johnson ay natapos ang laro sa mahigit dalawang oras.
Sa men’s division, nasungkit ng Instituto Estico Manila ang ikalawang panalo matapos igupo ang PLDT Home Fibr, 14-25, 25-21, 22-25, 25-22, 15-12, at nagwagi ang nagdedepensang Cignal HD laban sa Vice Co. Blockbusters, 25-23, 20-25, 25-23, 25-21.
- Latest