^

PM Sports

Patakaran ng MPBL pinalagan ng mga Fil-foreign players

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinagsa ng kritisis­mo ang Maharlika Pi­lipinas Basketball League (MPBL) sa gitna ng kon­trobersyal na pataka­ran nito kaugnay ng mga Filipino-fo­reign pla­yers.

Ayon sa panuntunan ng liga, isang Fil-fo­reign na dapat din ay 6-foot-4 lamang ang ma­­aaring mag­laro kada isang ko­ponan.

Idiniin ito ni Com­mis­sioner Kenneth Du­remdes sa isang pana­yam sa Fox Sports ma­­tapos ang pagkuha ng Mandaluyong El Tigre sa dalawang Filipino-Americans na sina Bobby Rayray Parks Jr. at Lawrence Domingo.

Aniya, ito ay upang ma­panatili ang balan­se ng liga na ang pangunahing man­dato nang ita­yo noong 2017 ay ma­bigyan ng tsansa at exposure ang mga homegrown at purong Pi­noy ma manlalaro na hindi pinalad sa professional basketball.

Paraan din ito upang hindi matabunan ang ta­lento ng mga Pinoy laban sa mga Fil-Foreign ca­gers, ayon pa kay Du­rem­des.

Hindi ito nagustuhan ng ilang manlalaro lalo na ng mga Fil-foreign players na nakapagtayo na ng pangalan sa bansa lalo na sa Philippine Bas­ketball Association.

Binira nina retired pla­yers Rob Reyes, Jeff Cariaso, Ali Peek at Gabe Norwood gayundin si naturalized player Marcus Douthit ang batas na ito ng MPBL na ayon sa kanila ay hindi makatarungan dahil kahit pa Fil-foreign ay Pinoy pa rin ang mga ito.

“At what point do we acknowledge that sports leagues are not above the law?! If you hold a Philippine passport, you’re a Filipino with all the rights,” ani Reyes.

“New league allows 1 Fil-Am per team, has to be 6’4 or under! What are you guys scared of! We’re here to stay and will keep coming,” dagdag naman ni Peek.

Taliwas naman sa aka­la ng MPBL na ma­wawalan ng balanse ang liga kung dadamihan ang Fil-foreigners.

Sinabi ni Nor­wood ng Rain or Shine na wa­la namang pinag­ka­layo ang talento ng pu­rong Pi­noy at Fil-fo­reign pla­yers.

Wa­la ring Fil-fo­reign na nagwagi ng MVP sa PBA sa nakalipas na 10 ta­on.

 

vuukle comment

MAHARLIKA PI­LIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with