^

PM Sports

Balkman ibabalik ng Beermen

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bukod sa pagpapauwi sa kanya ng San Miguel ay pinatawan din si import Troy Gillenwater ng multang P20,000 ng PBA Commissioner’s Office.

Ito ay dahil sa pagbangga niya kay referee Rey Nante sa huling 2:29 minuto ng second period na nagresulta sa pagpapatalsik sa kanya sa laro.

Ipinalit ng Beermen kay Gillenwater ang kon­tro­bersyal na si Puerto Ri­can Renaldo Balkman na kanilang ipaparada la­ban sa Alaska Aces sa Sa­bado sa Dumaguete City.

Mula sa malamyang mga numero ng 6-foot-9 na si Gillenwater ay lumubog sa 0-2 ang baraha ng San Miguel matapos sumuko sa Meralco, 85-93, noong nakaraang Mi­yer­kules kung saan nila ipinarada si No. 1 overall pick Christian Standhar­dinger at matakasan ng Rain or Shine sa overtime, 119-123, noong Linggo.

Pinatawan naman ng PBA si Balkman ng life­time ban matapos sa­kalin si one-time PBA MVP Arwind Santos sa isang mainitang pagtatalo no­ong 2013 PBA Commis­sio­ner’s Cup.

Tinulungan ni Balkman ang SMB-Alab Pi­li­pinas sa pagkopo sa ko­rona ng nakaraang Asean Basketball League.

Inalis ni PBA Com­mis­sioner Willie Mar­cial ang lifetime ban kay Balkman matapos ma­kiusap ang dating mi­yem­bro ng Puerto Rican national team.

Samantala, iiwan naman ni import Vernon Macklin ang Magnolia ma­karaang makatanggap ng guaranteed contract mu­la sa NBL China.

Bago tuluyang bumiyahe sa China ay magla­laro muna ang 6’9 na si Macklin sa pagsagupa ng Hotshots sa Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay maghaharap naman ang NLEX, target ang ikalawang su­nod na ratsada matapos ang 0-3 panimula, at Globalport.

 

 

vuukle comment

RENALDO BALKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with