^

PM Sports

Gillenwater papalitan na ng Beermen?

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng maalat na 0-2 simula, pinag-iisipan ng defending champion na San Miguel kung mag­pa­patuloy ba sila kasama si import Troy Gillen­wa­ter sa kanilang title re­tention bid sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Iyan ang inamin ni head coach Leo Austria matapos ang panibago na naman nilang kabiguan, sa pagkakataong ito, ay kontra sa rumaragasang Rain or Shine, 119-123 sa overtime, kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Malaking bahagi ang maagang pagkawala ng 6’9 na si Gillenwater ma­tapos ma-eject nang ma­bangga niya si referee Rey Yante.

Um-exit siya sa ikala­wang kanto pa lamang ta­ngan ang 11 puntos, tatlong rebounds, isang assist at isang steal sa 14 minutong aksyon lamang.

“We’ll have to think about it. We have to evaluate. Kahit sinong player, kahit anong team naman, we have to evaluate kung helpful o hindi,” ani Austria.

Hindi kumbinsido si Austria sa ipinapakita ni Gillenwater na nagrere­his­tro ng 15 puntos at 8.5 rebounds lamang sa kanyang unang dalawang laro – bagay na ayon sa batikang head coach ay malayo kumpara sa ibang super imports ng ibang koponan.

“Compared to the other imports, we’re not im­pressed,” diin niya.

Bunsod nito, lalong nag­ningas ang usap-usapan ng posibleng pagsibak kay Gillenwater at ang pagdating ni Charles Rhodes o kaya’y ni Renaldo Balkman upang pa­litan siya.

Si Rhodes ang guma­bay sa Beer­men noong na­karaang taon tungo sa ti­tulo ng Commissioner’s Cup kung saan siya rin ang tinanghal na Best Im­port.

Sa kabilang banda, si Balkman naman ang nagsilbing import ng SMB (dating Petron) noong 2013 kung kailan siya natampok sa kontrobersyal na choking incident sa teammate na si Arwind Santos upang mabigyan ng lifetime ban sa PBA.

Ngunit sa kanyang pag­babalik ngayong taon sa Pilipinas limang taon matapos ang insidente ay tila redemption ang na­kumpleto ni Balkman nang personal na humi­ngi na ng paumanhin sa PBA na pinamumunuan nga­yon ni Commissioner Willie Marcial.

Natanggal ang kanyang lifetime ban at bilang sukli ay pinag-igihan pa lalo ni Balkman hanggang sa makumpleto ang redemption nang dalhin sa kampeonato ang SMB-Alab Pilipinas sa kauna-unahan nitong kampeonato sa ABL.

“I’m not sure. We don’t know yet. Probably in a couple of days, may re­sult na. The good thing is we have five days if ever magre-replace kami. Pag-uusapan pa namin iyon,” aniya.

Lalabanan ng Beer­men ang Alaska Aces sa Sa­bado sa Dumaguete Ci­ty.

vuukle comment

TROY GILLEN­WA­TER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with