^

PM Sports

Creamline pinatumba ang PayMaya

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagpasiklab ang Creamline sa pama­ma­gitan ng pagpapa­bag­sak sa PayMaya  via straight sets, 25-18, 25-23, 25-19, sa huling laro sa 2018 Premier Volley­ball League Season 2 Re­inforced Conference On Tour noong Linggo ng gabi sa People’s Gym sa Tuguegarao City.

Umiskor si Thai import Kuttika Kaewpin ng 17 puntos kabilang na ang 15 atake at dalawang aces, habang si Alyssa Valdez ay umani rin ng 12 puntos, 11 mu­la sa atake para sa Cool Smashers na nagawang tumabla sa ikalawang pu­­westo kasama ang ka­nilang biktimang High Flyers sa parehong 2-1 kar­tada.

Nanatiling wala pang talo ang Iriga City-Navy sa 1-0 card at nagsosos­yo rin sa ikaapat hanggang sa pang-anim na puwesto ang Banko-Per­las, Pocari-Air Force at Tacloban Fighting Wa­rays sa parehong 1-1 mar­ka.

Sa hindi sinasad­yang pangyayari ay ang lahat ng apat na koponan sa pa­ngunguna ng Creamline, PayMaya, Banko-Perlas at Pocari na nag­laro sa PVL on Tour sa Tuguegarao City ay nanalo ng isa at nata­lo naman ng isa kaya walang umuwing luhaan sa dalawang araw na pro­vincial tour.

Ang panalo ng Cool Sma­shers laban sa da­ting walang talong High Flyers ay resbak naman sa kanilang naunang five-setter loss sa Perlas Spi­­kers, 25-22, 16-25, 23-25, 25-17, 11-15, no­ong Sabado ng gabi sa People’s Gym.

Bukod kina Kaewpin at Valdez, nagdagdag din ng walong puntos si Michelle Gumabao at pito naman mula kay Ni­kolina Asceric, habang may 26 excellent sets na­man si Jia Morado pa­ra sa Cool Smashers.

Pinangunahan ni Ame­­rican import Tess Roun­tree ang tropa ng PayMaya mula sa kanyang 17 puntos, habang walo naman ang ibinigay ni Aiko Urdas at anim kay Jasmine Nabor na nakatikim ng kanilang unang pagka­talo sa tatlong laro.

Samantala, naka­tak­da namang mag­ha­rap bu­­kas ng alas-4 ng ha­­­pon ang BaliPure at Pet­ro Gazz kasunod ang bak­­bakan ng Banko-Per­­­las at Tacloban sa alas-6:30 ng gabi sa Fil­Oil Flying V Centre sa San Juan City.

vuukle comment

PAYMAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with