^

PM Sports

Gilas cadets sasagupa sa Bulldogs

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubukan ng Gilas Pi­­lipinas na makabawi mu­­la sa kabiguan sa krus­­yal na pakikipagtu­os sa National Universi­ty sa 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakatakda ang sagupaan sa pagitan ng Gilas (1-4) at Bulldogs (1-3) ngayong alas-7 ng gabi at ang mananalo ay ma­pa­paganda ang kanilang kar­tada papalapit sa du­lo ng eliminasyon.

Kagagaling lamang sa panalo kontra sa Uni­versity of Perpetual Help System-Dalta da­lawang linggo na ang na­­ka­karaan, muling du­mapa ang Gilas sa mga kamay ng University of the Philippines, 72-78, no­ong Martes.

Lumamang ang Gilas ng hanggang sa 16 puntos ngunit kagaya ng mga naunang kabiguan ay tumirik ulit sa dulo bunsod ng kakulangan sa karanasan bilang isang buong koponan.

Repleksyon ito ng pa­tuloy na paghaha­nap pa rin ng Gilas ng che­mistry na siyang susu­bukan nilang ipamalas laban sa Bulldogs.

Kabubuo lamang noong nakaraang buwan at selection ng mga col­­legiate at amateur pla­­yers, iginiit ni coach Jong Uichico na hindi ni­la hangad ang panalo bag­kus ay paghahanda ang ka­nilang habol sa tor­neo.

Ang Gilas cadet pool ay ang kakatawan sa Pi­lipinas sa hinaharap lalo na sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup na gaganapin sa bansa.

vuukle comment

GILAS PI­­LIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with