^

PM Sports

Slaughter naging maganda ang pagbabalik sa Ginebra

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matagumpay ang na­ging pagbabalik ni Greg Slaughter matapos ang tat­long buwang pagka­wala nang tulungan ang Ba­rangay Ginebra na ma­kasungkit ng kauna-una­hang panalo sa 2018 PBA Commissioner’s Cup no­ong Biyernes ng gabi.

Kumamada ng 12 puntos at 6 rebounds ang se­ven-footer na si Slaughter sa loob ng 25 mi­nuto na siyang naging malaking tulong sa 105-91 panalo ng Gin Kings kontra sa Blackwater Elite sa Alonte Sports Are­na sa Biñan, Laguna.

“Definitely, I’m not in shape yet,” wika ni Slaughter. “I need to work on that in next co­ming weeks.”

Huling naglaro si Slaughter sa dulo ng 2018 Philip­pine Cup elimination round bago magtamo ng ankle sprain injury.

Hindi na rin siya naka­paglaro sa buong playoff campaign ng Ginebra na tuluyang ininda ng ko­po­­nan nang yumukod sa nagharing San Miguel sa ka­nilang se­mifinals series, 1-4.

At sa inaasahang pagbabalik niya sa import-laden conference ay lu­mala ang kanyang ankle injury kaya’t hindi pa na­kasama sa unang dalawang laro ng Gin Kings na parehong nagresulta sa kabiguan.

Aminado ang da­ting Rookie of the Year na hindi pa siya 100% ngu­nit kinailangan nang bumalik upang matulu­ngan na ang koponang nag­kukumahog sa mid-season conference.

Iniinda pa aniya ni Slaughter ang kaunting sa­kit sa kanyang sakong.

Sa pagbabalik ni Slaughter ay halos na­kum­pleto na rin ang pu­wersa ng Ginebra para sa misyong ma­kabalik sa kon­­tensyon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Bukod sa kanya ay nag­balik na rin sina back up center Prince Caperal at guard Paolo Taha na galing din sa mga injuries habang naglaro naman sa kabila ng knee in­jury si power forward Joe Devance.

Inaasahan namang ba­balik ang isa pang big man ng Ginebra na si forward Jervy Cruz sa mga su­sunod na laro upang ma­­kumpleto na ang puwersa ng Gin Kings na hangad makapanhik sa itaas ng team standings matapos ang malamyang 0-2 start.

 

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with