^

PM Sports

Hotshots lusot sa Batang Pier

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi si import Vernon Macklin ang sinandigan ng Hotshots sa mahalagang bahagi ng final canto.

Nagtuwang sina Paul Lee at Ian Sangalang sa hu­ling tatlong minuto ng fourth quarter para akayin ang Magnolia sa 92-87 panalo laban sa Globalport sa 2018 PBA Com­mis­sioner’s Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa An­ge­les, Pampanga.

Tumapos si Sanga­lang na may 22 points para banderahan ang pa­nalo ng Hotshots sa da­lawang laro, habang nag­dagdag sina Macklin at Rome Dela Rosa ng 19 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nadiskaril naman ang hangad na pangatlong su­nod na pananalasa ng Ba­tang Pier, nakahugot kay Sean Anthony ng 20 points.

Ang three-point play ni Anthony ang nag-akay sa Globalport sa 85-83 abante sa 3:53 minuto ng fourth period bago tumipa si Sangalang ng isang semi hook shot na sinundan ng drop shot ni Lee para sa 88-85 kalama­ngan ng Magnolia sa hu­ling 2:27 minuto.

Makaraan ang basket ni Sangalang para sa 90-85 bentahe ng Hotshots ay kumonekta si Stanley Pringle ng dalawang free throws para sa 87-90 agwat ng Batang Pier sa na­titirang 58.9 segundo.

Isang free throw ang ipinasok ni Macklin para sa Magnolia at naimintis na­man ni Pringle ang kan­yang layup para sa Globalport sa huling 30 se­gundo.

Samantala, puntirya ng TNT Katropa ang ikaapat na sunod na pa­na­lo sa pagsagupa sa Alaska ngayong alas-4:30 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

“Big test for us going up against a disciplined team team like Alaska,” wika ni Tropang Texters coach Nash Racela. “We hope to play with a lot of patience and look forward to performing well again.”

Sa ikalawang laro sa alas-6:45 ng gabi ay mag­pipilit namang ma­ka­­bawi ng nagdedepensang San Miguel mula sa nauna nilang kabiguan sa pagharap sa Rain or Shine.

Nagmula ang Beermen ng 85-93 pagka­ta­­lo sa Meralco Bolts sa kanilang unang laro no­­ong Miyerkules kung sa­an natunghayan si No. 1 overall pick Christian Standhardinger na tumapos na may 4 points, 5 re­bounds, 2 assists at 2 steals.

 

 

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with